Organic agricultural sector sa Nueva Vizcaya, palalaguin pa

Nagkasundo ang Department of Trade and Industry Region 2 at Local Government Unit ng Kayapa na palaguin pa ang organic agricultural sector sa probinsya.

Ito ay sa pamamagitan ng mga isasagawang product development at mga interbensyon upang maipakilala sa market ang produkto ng Kayapa at iba pang nangungunang industriya.

Una nang inanunsyo ni Provincial Director Atty. Michael Paggabao na ang Kayapa Participatory Guarantee System (PGS) Group ay mga kauna-unahang organic farmers na binigyan ng sertipikasyon ng Department of Agriculture na magsanay sa kanilang kapwa magsasaka.

Tiniyak ni PD Paggabao ang buong suporta sa grupo at pagbibigay ng tulong tulad na lamang ng packaging, labelling at ugnayan sa kanilang mga institutional buyers.

Kabilang naman sa mga tinalakay na interbensyon ay ang implementasyon ng Roads Leveraging Linkages of Industry and Trade (ROLL IT) Program, pagsasagawa ng Local Price Coordinating Council ng re-orientation at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *