Organikong pagtugon sa kagutuman, mas pinapaigting sa bayan ng Pili, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Mas pang pina-iigting ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa bayan ng Pili, Camarines Sur ang organikong pamamaraan sa pagtugon sa isyu ng kagutuman.

Bagamat wala pa naman silang naitatalang pamilya na nakararanas ng sobrang kagutuman sa bayan, patuloy nila itong isinusulong lalo na ang organikong pamamaraan kung saan imbes na mga frozen foods at mga pagkaing mayaman sa preservatives ang kanilang ipamigay sa mga residente, mga binhi at poultry products ang kanilang ipinapamahagi.

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Arvin Salvino, Acting Municipal Agriculturist ng Pili, hindi lang kagutuman ang kanilang nasosolusyunan, maging ang pagsulong ng pagtatanim sa bawat bakuran ng mga residente at pag-aalaga ng mga hayop sa livestocks section.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *