Local News

Organisasyon ng mga magsasaka sa Albay, makakatanggap ng marketing opportunities at mga serbisyo

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Agrarian Reform Beneficiaries’ Organization (ARBO) na ang mga maliliit na magsasaka ay nakasisiguro ng karagdagang oportunidad sa marketing at mgaserbisyo para sa kanilang mga pangkabuhayan.

Ito ay matapos lagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR), 18 LGUs sa lalawigan ng Albay, at ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) upang mabigyan ang mga ARBOs ng mga programa para mapabuti ang kanilang mga aktibidad pangkabuhayan.

Ang nilagdaan na MOU ay alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na tulungang mapaunlad ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiary.

Ayon kay Rodrigo Realubit, DAR Bicol OIC Regional Director, ang aktibidad ay naipatupad sa ilalim ng Enhanced Partnership against Hunger and Poverty (EPAHP) program, isang programa ng pamahalaan na tumutugon sa mga problema ng seguridad sa pagkain, kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng pagsasanib ng serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa ilalim ng MOU, ang provincial government ng Albay ay magbibigay ng marketing assistance sa mga ARBO sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga institutional markets sa pamamagitan ng pagsasagawa ng marketing agreement sa mga DOH-retained hospitals, Albay Provincial Jail, Albay Provincial Drug Rehabilitation and Treatment Facility, Residential Care Facilities, at makapagbigay ng basic social, agricultural, at technical support services sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office at ng Albay Provincial Agricultural Office.

Dagdag pa ng opisyal, tutulong sa mga ARBO at mga magsasaka sa kanilang produksyon at tamang oras ng paghahatid sa kanilang produkto para sa merkado, pagbibigay ng suportang serbisyo, pagbibigay ng access sa tulong pinansyal, at pagbibigay ng capacity-building at technical support.

Samantala ang mga LGU ng Bacacay, Malilipot, Malinao, Sto. Domingo, Tabaco City, Tiwi, Camalig, Daraga, Legazpi City, Manito, Rapu-Rapu, Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao City, Oas, Pio Duran, at Polangui ay tutulungan ang mga kwalipikadong ARBO sa pagsasagawa ng marketing agreements sa kanilang mga supplementation feeding program.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Paggamit ng water cannon ng barko ng Pilipinas, tinutulan din ng Pangulo

Tutol si Pangulong Bongbong Marcos na maglagay ng water cannon sa mga barko ng Pilipinas.…

3 mins ago

Pagbabalik ng klase sa Hunyo, posible na sa susunod na taon

Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na maibabalik na sa buwan ng Hunyo ang school calendar…

13 mins ago

Pag-implimenta ng alternative delivery modalities sa Region 2, pina-igting

Pinaigting ng Department of Education Region 2 ang implementasyon ng Alternative Delivery Modalities o ADM…

18 mins ago

P270-M na halaga ng shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng isang linggo

Nakakumpiska ng PhP270,203,352.00 na halaga ng iligal na droga at naka-aresto ng anim na indibidwal…

20 mins ago

Oil price rollback – kasado na bukas

GOOD NEWS SA MGA MOTORISTA! Simula bukas ay lalarga na ang bagong round ng bawas-presyo…

20 mins ago

Motorsiklo bumangga sa concrete barrier, 2-patay

Patay ang isang guro at kamag-anak nito habang sugatan ang isa pa matapos bumangga ang…

23 mins ago