Categories: National

Oriental Mindoro Gov. Dolor, handang magsampa ng reklamo laban kay PNP Chief Sinas

Handang magsampa ng kaso si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor laban kay PNP Chief Gen. Debold Sinas sa oras na mapatunayang lumabag nga ito sa health protocols na ipinatutupad noong nagtungo ito sa kanilang probinsya.

Ayon kay Dolor, hindi niya ikinokonsidera bilang “VIP person” si Gen. Sinas dahil wala naman talaga dapat aniyang “VIP treatment” kahit kanino man, pagdating sa pagsunod ng COVID-19 rules.

Matatandaan na nagtungo ang PNP chief noong Marso 11 sa naturang lalawigan sakay ng isang helicopter kung saan hindi ito dumaan sa pier ng Calapan City, para dumalo sa ceremonial vaccination ng mga medical workers sa MIMAROPA police kung saan positibo ito sa covid-19.

Nauna na namang sinabi ng Philippine National Police na palaging sumusunod ang hepe sa mga health protocols kahit saan pa ito pumunta.

huses

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago