Oriental Mindoro gov’t – sasampahan ng kaso ang may-ari ng barkong nagdulot ng oil spill

Magsasampa ng kaso ang Provincial Government ng Oriental Mindoro laban sa may-ari ng barkong nagdulot ng mapaminsalang oil spill noong isang taon.

Ito ang inanunsiyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor sa programa para gunitain ang anibersaryo ng oil spill.

Nakatakdang maghain ng reklamo si Dolor sa Ombudsman laban sa may-ari ng MT Princess Empress pagkatapos ng Semana Santa.

Ayon sa opisyal, inuna muna nila ang kapakanan ng mga residente bago sila magsampa ng kaso.

Pinamamadali na rin ni Dolor ang pagkubra ng danyos ng mga apektadong residente mula sa international oil compensation fund.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *