Oscar-nominated ‘Godfather’ actor James Caan pumanaw sa edad na 82

Pumanaw na ang American actor na si James Caan, sa edad na 82.

Si Caan ang nakilala sa kanyang pagganap bilang gangster na si Sonny Corleone sa epic mafia film na “The Godfather”.

Batay sa statement na ibinahagi sa official twitter account ni Caan, nasawi ang aktor nitong Miyerkules ng gabi.

Nominado si Caan para sa Academy Award para sa best supporting actor sa kanyang paglalabuhay sa karakter ni Corleone noong 1972 na “The Godfather.”

Inulit niya ang papel sa mga flashback na eksena sa “The Godfather: Part II” noong 1974.

Kasama sa iba pang mga nominasyon ang apat na Golden Globes at isang Emmy.

Inilarawan naman ni Al Pacino, na gumanap bilang Michael sa naturang pelikula bilang “a great actor, a brilliant director, and my dear friend.”

“It’s hard to believe that he won’t be in the world anymore because he was so alive and daring,” dagdag ni Pacino sa kanyang statement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *