OTMPS at LTO magkasamang nagsasagawa ng operasyon

Magkasamang nagsasagawa ng operasyon ang Olongapo Traffic Management and Public Safety Office at Land Transportation Office sa lungsod ng Olongapo.

Ito ay matapos na marami umanong natatanggap na reklamo sa pamamagitan ng tawag at social media tungkol sa smoke belching, hindi rehistradong sasakyan, defective headlights / Tail lights at iba pa.

Ayon kay OTMPS Chief Maj. Camilo Pablo, bago pa ang pasko ay nagsimula na sila sa operasyon at madalas na umano itong gagawin.

Ang mga PUJ umano na mahuhuli dahil sa smoke belching violation ay dadalhin sa LTO Region 3 para sa inspeksyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *