OTMPS personnel na nakatalaga sa may Kalaklan traffic light permanente na

Mananatili na ang dalawang tauhan ng Olongapo Traffic Management and Public Safety Office na nakatalaga sa may Kalaklan kung saan may traffic light.

Ito ay para mayroon mismong tauhan na siyang magmamando sakaling dumami ang volume ng sasakyan.

Ayon kay OTMPS Chief Major Camilo Pablo, maging ang ilang mga opisyal kahapon ng lungsod at SBMA ay naranasan ang mabigat na daloy na trapiko na inabot umano hanggang alas nwebe ng gabi kagabi.

Maaari umanong nagsabay-sabay kahapon ang mga pumunta ng beach resort matapos ang mahabang power interruption sa Olongapo, mga empleyadong nag-uuwian at iba pa kaya napakahaba ng traffic congestion sa Kalaklan area.

Kapag hindi naman umano marami ang sasakyan ay pagaganahin naman ang traffic light alinsunod na rin sa koordinasyon ng OTMPS sa Law Enforcement Department ng SBMA.

Kaugnay nito, may posibilidad rin na magdagdag pa ng tauhan sa lugar ang OTMPS.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, bicycle and text that says 'Dower Cells Tuldukan HERBAL CAPSULE ang Sakit! Don't FIGHT Alone! Power Cells CAPSUL HERBAL SHOW! NOW!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *