OTS personnel, ibinalik ang naiwang pera ng pasahero sa NAIA T2

Kinilala ng Office for Transportation Security o OTS ang ipinamalas na katapatan ng kanilang tauhan sa NAIA Terminal 2.

Ito’y matapos ibinalik ng screening officer na si Wilfredo Riego Jr. ang brown envelope na naiwan ng isang pasahero na naglalaman ng $2K o tumatagingting na P112K.

Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng routine and security operation si Riego nang matagpuan ang envelope malapit sa shoe bench malapit sa x-ray machine.

Wala umanong pasahero ang nag-claim sa nasabing cash kaya’t itinurn-over ito ng OTS personnel sa lost and found section ng airport.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *