Our Lady of Fatima sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur, lumuha raw umano ng dugo; Guro sa agham, may paalala sa kapwa katoliko

NAGA CITY –  Usap-usapan sa social media ang larawan na ibinahagi ng Saint Andrew the Apostle Parish – Sagñay, ang umano’y pagluha ng dugo ng isang imahen ni Our Lady of Fatima sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur.

Sa ibinahaging larawan, makikita ang umano’y kulay pulang likido sa may bahagi ng mata ng imahen.

Bagaman nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng simbahan, matatagalan pa ito bago opisyal na ideklarang tunay na himala lalo pa at tanging ang Santo Papa lamang ang may karapatang magsabi kung may milagro o himala nga ito.

Kaugnay nito, nagpaalala naman isang guro sa agham sa Partido Area na si Princess Carla Siguenza sa mga kapwa katoliko na bagaman may kanya-kanyang lebel ng paniniwala ang publiko ay huwag basta-basta manniniwala at tiyakin muna ito.

Samantala, sa ngayon wala pang opisyal na inilalabas na pahayag ang simbahan tungkol sa nasabing insidente. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *