OVP – nagpasalamat sa mga responders sa Davao Region

Idiniin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng pagkakaisa sa gitna ng mga sakuna.

Ito ang sinabi ng Pangalawang Pangulo kasabay ng patuloy na nararanasang mga pagbaha at mga naitalang landslides sa Davao Region dulot ng shear line at ng nagdaang low pressure area.

Ayon kay Duterte – malalampasan ang mga pagsubok basta’t nagkakaisa ang lahat.

Kasabay nito ay pinasalamatan din niya ang mga responders at mga volunteers na nagtulung-tulong para sa pag-agapay sa mga apektadong residente sa Mindanao.

Naghatid din ng simpleng tulong ang Office of the Vice President (OVP) Kalusugan Food Truck ng mga noodles, at meryenda sa mga responders at volunteers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *