Local News

OWWA Bicol, nakipagtulungan na sa ilang mga tanggapan upang marescue ang Albayanang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia mula sa kamay ng mga amo

LEGAZPI CITY – May pahayag na ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) Bicol tungkol sa Albayanang OFW na kinilalang si Myrna Condat Cuerdo, residente ng Tiwi, Albay, na kasalukuyang nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia na humihingi ng rescue mula sa kamay ng malulupit na mga amo.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay OWWA Bicol regional spokesperson, Jenivie Diaz Aguallo, sinabi niyang ang pinakaunang hakbang na ginawa ng kanilang tanggapan kaninang umaga ay ang pag-email sa case officer ng Migrant Workers Office sa Riyadh na nagkataong Bicolana rin, upang maberipika ang isyu, ma-pull out ang OFW, at upang makuha ang atensyon ng Foreign Recruitment Agency (FRA).

Aniya, nakipagtulungan na rin ang kanilang tanggapan sa pamunuan ng nasabing bayan at batay sa inisyal na impormasyong nakuha nila mula sa isa sa mga kamag-anak ni Cuerdo, rescued na umano ito ngunit kinakailangan pa itong beripikahin.

Makikipagtulungan na rin sila sa Philippine Recruitment Agency (PRA) na siyang liable pagdating dito, dahil ayon sa batas, kung ano ang obligasyon ng employer at ng FRA, obligasyon din nila, kung kaya’t ito ang kanila ring hinihintay upang magkaroon ito ng aksyon.

Binigyang-diin naman ni Aguallo na media ang naging paraan upang magkaroon sila ng kaalaman sa isyu ni Cuerdo, partikular na ang Brigada News FM Legazpi, kaya lubos din ang kanilang pagpapasalamat.

Samantala, umaasa naman sila na mareresolba ito at mabigyan ng hustisya ang OFW.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

23 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

23 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

23 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

23 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

24 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

24 hours ago