Ozamiz PNP – arestado na ang 5 suspek na tumangay ng P40M sa isang mall

Arestado na ang lima mula sa pinaniniwalaang walong suspects na nasa likod ng P41-Million heist sa isang mall sa Ozamiz City sa pamamagitan ng paghuhukay sa ilalim ng lupa.

Kinumpirma ng Ozamiz City Police na nasampahan na ang limang mga suspek na sinasabing mula raw sa isang peryahan na katabi ng Gaisano mall.

Sabi ng mga otoridad, ang mga suspek daw ay mga trabahador ng perhayan na tumulong sa paghuhukay.

Blangko naman daw ang may-ari ng peryahan na sangkot pala ang kaniyang mga trabahador.

Matatandaaang aabot sa hanggang P41-Million ang halaga ng pera’t mga alahas ang mga natangay ng mga suspek.

Sa ngayon, ‘di pa rin ito nare-rekober pa ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *