P 26 million, nairelease ng OWWA 12 sa mga benepisyaryo ng Tulong PUSO

KORONADAL CITY – NAKAPAGRELEASE na ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 ng P 26 million na halaga ng livelihood grants sa 71 mga Overseas Filipino Workers Family Circles (OFC).

Ito ay sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa Pag-Unlad ng Samahang OFWs o Tulong PUSO program. Ang Tulong PUSO ay isang one-time livelihood grant na may layuning magbigay ng ayuda para sa formation, enhancement, o restoration ng livelihood ng mga OFW organization sa pamamagitan pagbibigay sa mga ito ng raw materials, equipment, tools at iba pang support services.

Sa ilalim ng programa, ang mga qualified OFW groups ay maaaring makatanggap ng P 150,000 hanggang P 1 million na start up capital para sa kanilang napiling negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *