P1.5M – kinikita ng kotong ops sa Bacoor

Posibleng managot sa ilalim ng command responsbility ang hepe ng Bacoor Police matapos maaresto ang dalawang pulis dahil sa reklamo ng umano’y pangongotong sa mga transport groups sa Bacoor,
Cavite.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa pulong balitaan sa Kampo Crame kaninang umaga, kung saan kanyang sinabi na lalagdaan niya ngayong araw ang relief order ng opisyal.

Kinilala ni General Acorda, ang mga nahuli na sina Police Senior Master Sergeant Joselito Bugay, Police Staff Sergeant Dave Gregor Bautista at sibiliyan na si John Louie de Leon.

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group 11:30 ng umaga kahapon ang dalawang pulis at isang sibilyang kasabwat matapos mag-viral sa social media ang kanilang pangongotong sa mga transport groups sa Bacoor.

Base sa imbestigasyon ng CIDG, tumatanggap ang mga ito ng P1.5M kada bwan na payola mula sa transport groups o P170,000 kada transport group bilang protection money para hindi sila hulihin.

Pinaghahanap naman ang isang Edralin Gawaran na pinuno ng Bacoor Traffic Management Department.

Dinala na ang mga suspek sa CIDG Southern Metro Manila District Field Unit Office para sa documentation at proper disposition.

Sasampahan ng robbery charges ang mga suspek, bukod pa ang kasong paglabag sa RA 10591 at paglabag sa omnibus election code.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *