P1.7M halaga ng shabu, nasabat sa Silang, Cavite

Nakadetina na ang dalawang umano’y tulak na naaresto at nakuhanan ng mahigit isang milyong piso ng ilegal na droga sa Silang, Cavite.

Kinilala ng Silang Municipal Police Station ang mga suspek na sina alyas ‘Susan’ at alyas ‘Joshua’ na pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, naaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga ang dalawa sa isang pulis na nagkunwaring buyer.

Narekober mula sa mga suspek ang humigit kumulang 255 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,759,500.

Kabilang pa sa mga nakumpiska sa kanila ang dalawa pang plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga, isang cellphone, motorsiklo, isang pouch at siyam na piraso ng pekeng P1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *