P100 dagdag-sahod sa NCR, hirit ng ilang labor groups

Isinusulong ngayon ng ilang grupo ang PHP100 na dagdag sahod sa National Capital Region.

Sa isinagawang public hearing kahapon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – NCR, sinabi ng Partido Manggagawa, na kanilang itinutulak ang pag-apruba sa wage petition na inihain ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa noong December 6.

Dapat pagbigyan na umano ang kahilingan dahil naging matiyaga silang maghintay sa aksyon ng wage board.

Bukod sa petisyon ng Kapatiran, ang Unity for Wage Increase Now ay naghain noong March 21, isang wage petition na humihiling ng PHP1,141 na minimum wage rate sa Metro Manila.

Ayon naman sa RTWPB, Ang mga opinyon at pananaw ng mga dumalo sa talakayan ay magsisilbing mahalagang input ng board sa wage review sa kasalukuyang minimum wage sa rehiyon.

Ang kasalukuyang minimum na sahod sa Metro Manila ay PHP570.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *