P100M water distribution system sa Maddela Quirino, sisimulan na

Sisimulan na ang konstruksyon ng Water Treatment Plant and Distribution Facility matapos isagawa ng DPWH- Quirino District Engineering Office (QDEO) katuwang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang groundbreaking ceremony sa Brgy. San Pedro, Maddela, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pinondohan ang nasabing proyekto ng 100 milyong piso kung saan maseserbisyuhan nito ang nasa 20,380 na residente sa 14 na barangay sa Maddela, Quirino Province.

Ayon kay District Engineer Lorna Asuten, ang nasabing Level III water system ay mayroong water treatment facilities, flood control, drainage, bank at slope protection.

Aniya, bukod sa pagbibigay ng maayos na suplay ng tubig ay layunin din ng ahensya na isaalang-alang ang kinakailangan ng mga residente upang maprotektahan ang kanilang kalusugan sa kontaminasyon ng tubig na maaring maghatid ng waterborne diseases.

Ang naturang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2020-2021 na nakatakdang matatapos ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *