P10M pondo para sa mga gamot sa ospital sa San Vicente, Palawan, aprubado sa sanguniang bayan

Aprubado sa Sanguniang Bayan ng San Vicente, Palawan ang ang panukalang Supplemental Budget No. 01, Series of 2024.

Ito ay naglalaman ng Sampung Milyong (Php10,000,000.00) pondo para sa implementasyon ng “Convergence Program for National Health Project” (CPNHP).

Layunin nito makabili ng ibat-ibang mga drugs, medicines, at hospital supplies para sa residente na mahihirap na kasalukuyang pasyente ng San Vicente District Hospital (SVDH).

Sa mosyon ng Chairman ng Committee on Finance and Appropriation na si SB Teodulo A. Varquez ay sinang-ayunan ng lahat ng myembro ng Sangunian ang Appropriation Ordinance No. 02, Series of 2024 sa regular na sesyon nitong Martes, Ika-20 n Pebrero, 2024 para sa authorization ng panukalang pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *