P11.4 M na halaga ng shabu natagpuan ng mga otoridad sa NAIA terminal 1

Mahigit P11 milyong halaga ng shabu ang natagpuan sa dating kusina ng isang restaurant sa Ninoy Aquino International Airport 1.

Natukoy ng mga otoridad ang nasabing kontrabando sa isang ginigibang dating kainan sa NAIA 1.

Ayon sa mga otoridad nakababad ang tatlong pakete ng ilegal na droga sa isang grease trap.

May discoloration na ang mga ito dahil sa tagal ng pagkakababad sa tubig.

Iniimbestigahan na ng PDEA ang mga nakitang kontrabando sa nasabing paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *