P150M DepEd confidential funds, ilipat na lamang sa Mental Health programs at F2F Classes -Manuel

Nanawagan ang isang mambabatas na ilipat na lamang sa mental health programs at full face-to-face classes ang P150M Department of Education (DepED) confidential funds.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, mas mataas ang bilang ng mga may suicide ideation o ‘yung mga naiisip na kitilin ‘yung sariling buhay dahil sa iba’t ibang problema na kinakaharap ng mga mag-aaral.

Giit ni Manuel, sana wala nang confidential o intelligence fund ang DepEd at dapat na i-realign sa pangangailangan ng estudyante na hindi naman confidential.

Dagdag pa ng mambabatas, hindi niya ‘ma-gets’ ang priorities ng ahensya sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *