P15M, inilaan ng DoT para sa pre-restoration work ng Manila Post Office

Muling iginiit ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang kanyang suporta sa pagpapanumbalik ng mga makasaysayang lugar sa bansa, kabilang na ang Manila Post Office.

Dahil dito, naglaan ang DoT ng P15 milyon para sa Detailed Architectural and Engineering Studies (DAES) para sa conservation evaluation at pre-restoration work ng Manila Central Post Office building (MCPO).

Ang DAES ay isasagawa sa dalawang yugto: ang unang yugto ay ang paglikha ng mga pre-restoration plans, at ang pangalawang yugto ay ang pagbuo ng planong rehabilitasyon at konserbasyon na isasagawa.

Ayon kay Frasco, ikinalulugod nilang makatrabaho ang Philippine Postal Corporation, Manila Central Post Office, at National Commission for Culture and the Arts upang matiyak ang maayos na panunumbalik ng landmark.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *