P19.4 milyon na halaga ng ayuda naipamahagi na ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng LPA at Shear line sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development Office ang ayuda para sa mga pamilyang naapektuhan ng Low Pressure Area at Shear line.

Sa nakuhang datus ng Brigada News FM Naga sa DSWD P19.4 milyon na ang halaga ng tulong para sa 17 na mga bayan sa Camarines Sur. Kabilang sa nabigyan ng food packs ang mga mangingisda sa lawa man o sa dagat. Sa Siruma Camarines Sur , sinabi ni MDRRM Officer Cyril Barbosa, mabilis  pakiusapan ang mga mangingisda na huwag magpumalaot kung masama ang panahon. Sa ngayon balik na sa hanapbuhay ang marami pero pinag-iingat pa rin dahil sa paabot-abot na pag-uulan.

Ang LGU Pasacao nakapagbigay pagkain sa mga nastranded sa Pasacao Port, ang LGU Calabanga naman nag bigay din ng ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *