P2.6B na confidential funds ng Davao City, paiimbestigahan na sa Kamara

Pinaiimbestigahan na ng Makabayan bloc ang tumataginting na P2.697Billion na confidential funds ng Lungsod ng Davao.

Kung maaalala, iniulat ng Commission on Audit na umabot ng ganitong halaga ang confidential funds ng Davao City mula 2016 hanggang 2022.

Katumbas ito ng P460Million kada taon.

Inihain ng Makabayan bloc ang House Resolution 1361 para imbestigahan ang naturang isyu.

Nakasaad dito na dapat magsagawa ng joint investigation kasama ang Committee on Good Government and Public Accountability, Committee on Public Accounts at Committee on Local Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *