P220K na halaga ng iligal na nilagaring kahoy, nasabat

Nasabat ng mga awtoridad sa kanilang operasyon ang P220, 684.80 na halaga ng iligal na nilagaring kahoy sa Sitio Nangalisan, Sta. Clara, Gonzaga, Cagayan.

Una rito, nang magtungo sa lugar ang tropa ng kapulisan ay natuklasan nila ang 3, 152.64 board feet ng patung-patong na mga nilagaring kahoy na pinaniniwalaang inabandona ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal.

Ang 45 na piraso ng naturang kahoy ay idinala sa Gonzaga Police Station upang sukatin ng CENRO Aparri, Cagayan habang magpapatuloy naman ang monitoring ng kapulisan para sa posibleng pagkadakip sa mga salarin.

Naging matagumpay ang naturang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit, Gonzaga Police Station, 4th Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company at mga kawani ng Cagayan ENRO sa Aparri

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *