P3.8 bilyong halaga ng shabu nasamsam sa Pampanga

Nasamsam ng National Bureau of Investigation ang daan-daang kahon na naglalaman ng mga illegal na droga sa isang warehouse sa Mexico Pampanga.

Ayon sa Bureau of Customs nagkakahalaga ng mahigit 3 bilyon pesos ang 560 kilong shabu na isinilid sa mga tea bags.

Ang mga nakumpiskang droga ay galing pa sa bansang Thailand na dumating noong Sept. 18, 2023.

Sabi naman ng PDEA na ginagamit umano ng mga sindikato ang foil at iba pang produkto para maitago ang mga kontrabando.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *