P30 umento sa sahod sa Region 2; P40 sa Region 3, aprubado na

Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang dagdag sa minimum wage sa Region 2 (Cagayan Valley) at Region 3 (Central Luzon).

Ibibigay ang P30 dagdag sahod sa Region 2 sa dalawang tranches (sa bisa at Abril 1, 2024).

Magiging P493-500 na ang minimum wage para sa non-agriculture sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales habang P454-P470 sa agriculture, at P475-P489 sa retail service dahil sa inaprubahang P40 wage increase sa Region 3.

Samantala, magiging P5,000 naman ang sasahurin kada buwan ng mga kasambahay sa mga lungsod at first-class municipality sa Region 12 o Soccsksargen habang P4,500 sa iba pang munisipalidad nito dahil sa dagdag 500 na sahod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *