P320K halaga ng droga nakumpiska sa dati ng nakulong na drug pusher sa Legazpi City

LEGAZPI-DATI nang nakulong at nakalaya ang 55-anyos na lalaki na nahuli sa isinagawang anti-illegal drugs operation na nagresulta sa pagkakarekober ng nasa 320k na halaga ng pinagbabawal na gamot sa barangay Bogtong, Legazpi City

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Barangay Captain Armando Toledo, di niya akalain na babalik sa illegal na Gawain ang kanyang residente na si Jose Ermel Llamoso Alcala na taga Purok 2, ng barangay.

Aniya, pinaalalahanan niya pa ang suspek na maghanap nan g marangal na trabaho matapos itong makalaya subalit naniniwala siya na muli itong naimpluwensyan.

Kanya ring nilinaw na hindi na masyadong problema ang illegal na droga sa barangay at monitored nila ang kanilang mgadrug surrenderree.

Kung matatandaan, katapusan ng buwan ng Hunyo nang dinakip ang suspek sa bahay nito matapos marekober sa kanya ang aabotsa 100 grams ng shabu o may halagang PHP 320, 000.

Kasalukuyan na itong nasa pangangalaga ng PNP Legazpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *