P4.83Billion na pondo, inilaan ng DBM sa 2024 para sa allowances ng mga guro

May aasahang limang libong pisong allowance kada ang guro sa susunod na taon.

Ito’y matapos maglaan ang Department of Budget and Management o DBM ng 4.83 billion pesos para sa allowances ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, magsisilbi itong tulong sa gastusin ng mga guro sa teaching supplies at materials, internet subscription at iba pang communication expenses, at sa annual medical examinations.

Samantala, meron ring inilaan para sa transportation at teaching Aid Allowance para sa mga ALS coordinators at implementers; Special Hardship Allowance, o ang karagdagang kabayaran sa mga gurong itinalaga sa mga paaralan nasa “hardship areas” o mahirap puntahan; World Teacher’s Day Incentive; at Honoraria para sa Teaching Overload o kabayaran sa teaching personnel na may teaching load na lumalampas ng anim na oras bawat araw ng actual classroom teaching.

Ang ganitong mga hakbangin sabi ni Pangandaman ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na ibigay ang kailangang suporta para sa mga public school teachers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *