P48M Livelihood Settlement Grant, ipinasakamay ng DSWD sa 333 na benepisaryo sa Isabela at Cagayan

Ipinasakamay na ng DSWD Regional Field Office 2 sa 333 na benepisaryo sa lalawigan ng Isabela at Cagayan ang 48 milyon pesos na halaga ng Livelihood Settlement Grants (LSG) at Community Grants.

Ito ay s ilalim ng KALAHI-CIDSS Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa (BP2) Program ng ahensya.

Ayon pa sa DSWD RFO2, ang mga benepisaryo ay mula sa Reina Mercedes, Aurora, Cabagan, Sta Maria sa Isabela at Iguig, Cagayan kung saan 211 na pamilya ang nakatanggap 50, 0000 pesos each ng LSG.

Habang 122 na barangay naman ang nakatanggap ng community grants na nagkakahalaga ng 37.5 milyon pesos.

Hinikayat ni Regional Director Cezario Espejo ang mga benepisaryo na gamitin ng tama ang natanggap na benepisyo.

Ngayong taon, ang KALAHI-CIDSS BP2 Program at SLP ay mayroong target na 300 families sa ilalim ng LSG at 14 na Community Grant sa munisipalidad ng Lambak ng Cagayan.

Ang Livelihood Settlement Grants ang isang strat-up financial assistance sa mga benepisaryong pamilya habang ang assistance sa mga proyekto ng LGU na kinabibilangan ng resettlement at community grants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *