P5.268T 2023 National Budget, lalagdaan na ngayong hapon

Ngayong araw na lalagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang P5.268Trillion National Budget para sa susunod na taon.

Ngayong alas-tres ng hapon, isasagawa ang ceremonial signing sa Malacañang para sa 2023 General Appropriations Act o GAA.

Matatandaaang December 5 nang ratipikahan ng Senado at ng Kamara ang kanilang bicameral report para sa Pambansang Pondo.

Ayon sa mga lider ng Senate at House contingents – nakapaloob sa 2023 Budget ang mga hakbang para makamit ang economic recovery at pasok ito sa iisinusulong na ‘8-point socioeconomic agenda’ ng administrasyong Marcos.

Kagaya ng mga nagdaang National Budgets, sektor pa rin ng edukasyon ang nakakuha ng may pinakamalaking alokasyon sa pondo.

Matatandaaang naging kontrobersyal ang huling bersyon ng Pambansang Budget dahil ibinalik ng Kongreso ang mga tinapyas na confidential at intelligence funds na hinihiling ng ibang mga tanggapan.
#

READ MORE:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *