P5,000 -P10,000 matatanggap ng mga may nasirang bahay dulot ng bagyong Odette-Provincial Government

Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan na maaring makatanggap ng P5, 000 hanggang P10, 000 ang pamilyang may nasirang bahay dulot ng bagyong Odette.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, nakadepende sa sira ng bahay ang halaga na matatanggap ng mga nasalanta ng bagyo.

Ang pondong inilaan para dito ay mula sa national government at ibababa sa pamahalaang panlalawigan para ibahagi sa mga biktima ng Odette.

Sa inisyal na datos , mayroon nang 69, 304 pamilya ang apektado habang 256, 303 indibidwal  mula sa pinagsama –samang munisipyo ng bahaging norte ng Palawan.

Samantala naglaan din ang provincial government ng Palawan ng P1.5 milyong pondo para sa mga hindi nawasak na kabahayan ngunit naapektuhan ng bagyo kung saan inaasahang makakatangap ng P3,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *