P6.7-B halaga ng shabu nasabat sa isang lending office sa Maynila

Aabot sa halos isang tonelada ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.7-billion ang nasabat ng Philippine National Police sa isinagawang anti-illegal drug operation sa isang lending office sa Maynila.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group (PDEG) director PBGen Narciso Domingo na nagresulta ang naturang operasyon sa pagkaka-aresto sa isang Ney Saligumba Atadero.

Maliban dito nakakuha din umano ang PDEG ng mga ebidensiya na nagsasangkot sa isang pulis na kinilalang si PMSgt. Rodolfo Mayo Jr.

Sa isang hot pursuit operation nakuha mula kay Mayo ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6-Million.

Tiniyak naman ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. sa publiko na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain mula sa kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *