P6.8M na halaga ng shabu  nasamsam sa Camarines Sur, target nasawi

NAGA CITY- Patay ang isang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng mga kapulisan sa La Purisima Pili, Camarines Sur.

Ayon sa report mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, nangyari ito bandang alas 11:29 ng gabi nitong ika-25 ng Enero 2022 . Ang suspek ay kinilalang si Glen Gan kasalukuyang nakatira sa Naga City Subdivision, Triangulo, Naga City.

Ang nasabing operasyon ay nauwi sa palitan ng putok na naging sanhi ng pagkamatay ng nasabing suspek. Nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng transparent plastic na naglalaman ng humigit kumulang 1,000 gramong pinaghihinalaang “shabu” na may katumbas na halagang P6,800,000.00.

Bukod dito nakuha rin ang kalibre 45 na pistola na kanyang ginamit laban sa mga operatiba.

Ang pagkakahuli sa tulak ng ipinagbabawal na gamot ay resulta ng masusing imbestigasyon at pagpaplano nang pinagsamang operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 5 Team Camarines Sur/Naga; Camarines Sur Provincial Intelligence Unit at Municipal Drug Enforcement Unit, Pili MPS sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Dug Enforcement Agency.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga operatiba upang alamin ang pinagmulan at supplier.

Ayon sa PNP Bicol, ang PNP-PRO5 sa pamumuno ni Regional Director PBGEN Jonnel C. Estomo, ay buo ang loob upang wakasan na ang suliraning kinakaharap na rehiyon patungkol sa iligal na droga. Bukod sa mga operasyong patuloy na nilulunsad ng kapulisan laban sa mga naglipanang tulak ay ganun din ang pagpapalakas at pagbabahagi ng impormasyon ng unit hingil sa masamang epekto nito.

Ito ay sa pagnanais maipaliwanag sa publiko lalo na sa mga kabataan ang hindi kanais-nais na maari nilang kahinatnan sa pagiging lulong sa ganitong gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *