P6.9 milyon naitalang halaga ng paagkalugi sa Region 6 dahil sa E Niño

Umabot na sa P6.9 milyon ang halaga ng pinsala sa Western Visayas dulot ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD 6) head Cindy Ferrer,na ang probinsya ng Iloilo ang pinaka napinsala sa buong rehiyon kung saan nasa P486 milyon ang kabuang pinsala, sinundan naman ng Antique na may P115 milyon pinsala at ang probinsya ng Negros Occidental na may P55 milyong pinsala.

Dagdag pa ni Ferrer, ang labis na apektado ng tag-init sa Negros Occidental ay ang mga magsasaka at mangingisda kung saan base sa datos, umabot sa 1,205 ang apektado at ang production loss ay nasa 2144.95 metrics tons.

Samantalan, klinaro din ni Ferrer na dahil hindi pa umabot sa porsyento ang halit ng tag-init ay hindi pa umano ito madideklarang State of Calamity. //MERIAM LUMBRES AGDIPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *