P7.8M na halaga ng shabu nasamsam sa buybust operation sa Camarines Sur ; target nasawi

NAGA CITY—Patay ang isang tulak umano ng iligal na droga matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang an namatay na suspek na si Bienvenido Dinsing Jr. y Laurena, nasa tamang edad, residente ng Barangay Tambo, Pamplona parehong lalawigan.

Batay sa ulat ng Nabua MPS, dakong alas-3:00 ng madaling araw kanina nang ikasa ang operasyon laban kay Dinsing sa Barangay Sta. Elena Baras.

Sa ulat ng PNP , nakipagtransaksyon ang suspek sa nagpanggap na buyer. Matapos ang transaksyon na halagang P450K bigla umanong nakatunog ang suspek kaya mabilis itong nagpaputok ng baril sa mga huhuli sana kaniya na mga operatiba. Sinawimpalad naman ito matapos gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Aaabot sa P7.8M ang halaga ng narekober na item.

Napag-alaman na nagsusupply ng shabu sa Camarines Sur, Naga City , Legazpi at Tabaco sa Albay. Dati nang naaresto si Dinsing sa parehong kaso ngunit nakalabas dahil sa plea bargaining.

Samantala, aabot naman sa P564,400 halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa apat na katao kabilang ang isang babae sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Naga City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Deone Ciudadano, 47-anyos, vendor, residente ng Barangay Abella, Naga City; Alvin Reblora, 48 anyos, isang OFW, residente ng Oas, Albay; Marlon Rosquetes 37 anyos, binata, residente ng Haring, Canaman at Alicia Alegre-Benavidez, 51 anyos ng Barangay Peñafrancia, Naga City.

Ikinasa ang operasyon kagabi at kaninang madaling araw ng Naga City Police Office sa magkakahiwalay na Barangay sa lungsod.

Kakasuhan ang mga nadakip ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *