P800-M halaga ng marijuana sa Mt. Chumanchill sa Kalinga, sinunog ng mga otoridad

Sinunog ng mga operatiba ang aabot sa P800-milyong halaga ng tuyo at tanim na marijuana sa Kalinga.

Sa kabuan mahigit isa’t kalahating tonelada ng dried at full grown marijuan plan ang nasabat sa plantasyon.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines ito na ang pinakamalaking marijuana eradication sa mga nakalipas na taon.

Base sa datos ng PNP, pangalawa ang marijuana kasunod ng shabu sa listahan ng mga illegal ng droga kung consumption ang pag-uusapan.

Sinabi ng PNP kabilang sa malaking distribution ng marijuana ang Northern, Central, at Southern Luzon kasama na rin ang Metro Manila.

Samantala, wala namang naabutang mga suspek ang operatiba sa naturang bundok kung saan nakatanim ang milyong marijuana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *