Pabahay ni PBBM sa ilang illegal settlers sa NCR, suportado ng mga mayor

Ibinahagi ni Department of Interior and Local Government, Secretary Benhur Abalos Jr. na nagbigay ng kautusan sa kanila si Pangulong Bongbong Marcos na magtayo ng mga murang pabahay.

Ito ay upang matulungan ang mga homeless na Pilipino o informal settler families (ISF) na ang tanging pangarap ay magkaroon ng maayos na bahay.

Kaugnay nito, nagpakita ng pagsuporta ang Metro Manila Mayor’s League sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora at maging ang ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pagpa-pilot nito sa Metro Manila.

Samantala, ibinahagi naman ni DHSUD Undersercretary Atty. Avelino Tolentino III ang magiging plano nila rito sa naging press conference.

Maalala, ayon kay Abalos, nasa 55 projects na ang on going para rito na naglalayong makapagtatag ng 170,000 units.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *