Padilla, nakalikom na ng 5 pirma para i-reverse ang contempt order laban kay Quiboloy

Inanunsyo sa naganap na press conference ni Senador Robin Padilla na mayroon na siyang kabuuan na limang pirmang nalikom upang suportahan ang kanyang pagtutol sa naging desisyon ni Senadora Risa Hontiveros na ipa-cite in contempt si Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang hindi nito pagkilala sa subpoena na inihain sa kanya.

Ayon kay Padilla, ilan sa mga pumirma na mula sa komite ay sina Senadora Imee Marcos, Senadora Cynthia Villar, Senador Christopher “Bong” Go at Senador JV Ejercito.

Samantala, ilan naman sa tumanggi upang pirmahan ito ay sina Senadora Grace Poe at Senador Raffy Tulfo.

Ayon kay Padilla, nirerespeto niya ang naging pasya ng mga ito ngunit hindi umano siya titigil na kumbinsihin sina Senadora Pia Cayetano, Senador Mark Villar at Senadora Nancy Binay na siyang tumatayong vice chairman nito.

Maalala, upang ma-reverse o maiatras ang contempt na inihain kay Quiboloy ay kinakailangang makabuo ng walong boto ni Padilla sa loob lang ng pitong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *