Padilla, plano muling sumulat sa Senate committee para kay Quiboloy

Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla sa naging ambush interview sa kanya na bilang senador ay sinusundan lang niya ang procedure sa Senado.

Kaugnay nito, pinabulaanan niyang tumatayo siyang abogado ni Apollo Quiboloy sa kabila ng pagpaaabot niya ng show cause order kamakailan sa komite ni Senadora Risa Hontiveros upang manghingi ng reconsideration sa contempt order kay Quiboloy.

Pagpapaliwanag ni Padilla, magandang marinig ng taumbayan ang naratibo ng kampo ni Quiboloy bilang parte ito ng demokrasya.

Alinsunod nito, nababahala umano siya pagkawala ng due process kay Quiboloy dahil sa naging pahayag ni Hontiveros na hindi nito tatanggapin ang mga posibleng rason tulad ng medical problem o security concern.

Ngunit sa kabila nito, tiniyak ng senador na magpaabot muli siya ng sulat sa komite upang hilingin na bigyan ng pagkakataon ang kampo ni Quiboloy na magsalita sa pamamagitan ng isa pang pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *