Padre de pamilya ng tinaguriang “world’s largest family”, pumanaw na

NEW DELHI, India—Pumanaw na sa sa edad na 76-anyos si Ziona Chana – ang padre de pamilya ng tinaguriang “World’s largest family.”

Ayon sa report ng local news media, mismong ang chief minister ng Mizoram na si Zoramthanga ang nag kumpirma na pumanaw na si Chana nitong nakaraang linggo.

Ang pamilya ni Ziona ang pinakamalaking pamilya na naitala sa kasaysayan sapagkat binubuo ito ng nasa 167 miyembro.

Mayroon siyang 39 na asawa, 94 na anak at 33 mga apo na kanyang tinaguyod at binuhay nang sama-sama sa loob ng isang malawak at 4 na palapag na gusali na may 100 kwarto.

Edad 17-anyos siya nang makapag asawa at sa loob din ng taong iyon ay umabot agad ng sampu ang kanyang pinakasalan na kanyang ipinagmalaki.

Si Ziona ay siya ring pinuno ng relihiyong “Chana” na nagpapahintulot ng “polygamy” o ang pag-aasawa ng higit pa sa isang indibidwal.-30- || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *