PAF, patuloy ang Cloud seeding operations para maapula ang sunog sa Benguet

Nakapag dispense na ang 900th Air Force Weather Group ng 1200 kilo ng asin sa Benguet.

Layon nito na mapigilan ang nangyayaring sunog sa kagubatan sa lalawigan.

Ayon sa Philippine Air Force, patuloy ang pagsisikap nila na maapula ang sunog.

Magpapatuloy ang cloud seeding kasabay ng operasyon ng 505th Search and Rescue Group sa pagpatay ng apoy at pagprotekta sa likas na yaman ng rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *