PAF, rumespunde sa pagsiklab ng panibagong forest fires sa Benguet

Agad na rumesponde ang Philippine Air Force sa pagsiklab ng dalawang forest fires sa Benguet.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, nagsagawa ng serye ng heli-bucket operations ang kanilang Super Huey Helicopter mula sa 505th Search and Rescue Group para sabuyan ng tubig ang apoy na sumiklab sa Mt. Camisong sa Itogon, at sa Brgy Adonot, Bokod, Benguet.

Nabatid, na humingi ng tulong sina Mayor Benjamin Magalong at Tuba Mayor Clarita Sal-ongan sa PAF para magamit ang kanilang helicopter bukod pa sa sama-samang tulong ng mga government at private fire stations mula sa munisipyo at lungsod para maapula ang apoy.

Walang naiuulat na casualties sa insidente habang patuloy pang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Samantala, nagsasagawa na ng mahigpit na koordinasyon ang PAF, sa Civil Defense Cordillera, Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang ahensiya ng gobyernk para talakayin ang fire-suppression strategy sa mga ganitong insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *