PAF: walang tinatarget na bansa sa combined air patrol

Nilinaw ng Philippine Air Force na wala silang tinatarget na bansa sa katatapos lamang na combined air patrol kasama ang US Pacific Air Force sa West Philippine Sea.

Ang paglilinaw ay kasunod ng pahayag ng Chinese military na “stirring up trouble” ang ginawa ng Pilipinas sa isinagawang joint air patrol kasama ang US sa WPS.

Iginiit ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo
na bahagi ito ng ikatlong Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito aniya ay para mapahusay ang interoperability ng dalawang pwersa at mapalakas ang kapabilidad ng PAF na gampanan ang kanyang mandatong protektahan ang teritoryo, soberenya, at interes sa WPS.

Ito rin ay naaayon sa international rules based order dahil isinagawa ang joint air patrol sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *