Pag-adjust ng mall hours upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila, tatalakayin ng MMC

Nangako si San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora na tatalakayin ng konseho ang adjustment sa mall hours sa National Capital Region (NCR) bilang isa pang paraan ng pagresolba sa sitwasyon ng trapiko.

Ito’y kasunod ng pagsasaayos ng oras ng trabaho sa mga lokal na pamahalaan sa NCR upang maibsan ang trapiko at mabigyan ng pahinga ang mga manggagawa mula sa matinding init.

Aniya, nagbunga ang usapin na ito noong Christmas season, kung saan na-adjust din ang oras ng pagbubukas at pagsasara mga malls sa bansa.

Maalalang sinumulan na ng labing anim na lungsod at nag-iisang munisipalidad sa Metro Manila ang implementasyon ng adjusted working hours na magsisimula ng ala-siete ng umaga hanggang alas-quatro ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *