Pag-adjust sa taripa, cap ng imported pork ‘good as approved’ na – Sotto

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na “good as approved” na ang nakapagkasunduan ng mga senador at economic managers na adjuStments sa minimum access volume (MAV) sa imported pork at pagbabawas sa tariff rates.

Ayon kay Sotto, nung nagkausap sila ni Finance Secretary Sonny Dominguez ay sasabihin narin umano ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga napagkasunduan.

Dahil dito, maikokonsiderang “done deal” na ang pag-modify sa tariff rates para sa imported pork products sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 28, na nilagdaan para matugunan ang isyu sa suplay ng karneng baboy.

Ayon kay Agriculture Chief William Dar, inirekomenda umano nila na ang taripa sa EO 128 ay mai-adjust sa 10% in-quota at 20% para sa out-quota para sa unang tatlong buwan, at 15% in-quota at 25% out-quota para sa natitirang siyam na buwan, habang ibaba ang minimum access volume (MAV) mula sa 404,000 metric tons (MT) sa 254,210 MT.

Dagdag ni Dar, ang modifications sa EO ay layuning mapigilan ang inflationary impact sa mga Filipino consumers dahil sa pagbaba ng suplay ng karne.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *