Pag-alis sa price cap malaking bagay para sa mga naapektuhang rice sellers-NCPM

NAGA CITY- Inalis na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang price cap sa bigas, halos isang buwan matapos ang implementasyon Executive Order No. 39.

Base sa EO 39 ang regular milled rice ay hindi maaaring lumagpas sa ₱41/kilo habang ang well-milled rice ay ₱45/kilo.

Una nang napag-alaman na hinihintay ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang basbas ng Pangulo matapos ang sectoral meeting nitong Martes at napag-alaman ang pagbaba sa presyo ng bigas sa pamilihan. Inaasahan na rin na tataas ang supply ng bigas dahil panahon ng anihan.

Ayon kay Naga City People’s Mall Market Superintendent Mon Florendo, malaking bagay ito para sa mga rice retailers na nalugi o bumaba ang kita noong ipatupad ang EO subalit dagdag pasani aniya ito para sa mga mamimili. Kaya para kay Florendo, dapat mabalanse pa ng pamahalaan ang sitwasyon. Panawagan nito sa mga rice dealers and traders maging considerate at isipin din ang interes ng bawat sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *