Pag-amyenda sa RA 11709, na naglilimita sa three-year fixed term sa  AFP, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan ng Senado ang ulat ng bicameral conference committee sa panukalang batas na na naglilimita sa three-year fixed term sa Armed Forces of the Philippines.

Si Senator Jinggoy Estrada, chairman ng Senate committee on national defense, ang nag-sponsor ng final version ng panukalang batas.

Sa bersyon ng bicameral conference committee ng Senate Bill No. 1849 at House Bill No. 6517, nakasaad na 57 na ang retirement age sa mga opisyal at tauhan ng AFP.

Hindi na binago sa panukala ang three-year term sa AFP chief of staff, samantalang hanggang dalawang taon maaring manilbihan ang commanding generals ng  Philippine Army at Philippine Air Force at ng Flag Officer in Command ng Philippine Navy, gayundin ang Superintendent ng Philippine Military Academy (PMA).

Ngunit maari silang tanggalin o palitan ng pangulo ng bansa, na tumatayong commander-in-chief ng AFP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *