Pag-angkat ng asukal, inirekomenda ng PSAC-ASG kay Pangulong Marcos

Ginanap kahapon ang ika-6th meeting sa Palasyo ng Malacañang ng Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group o PSAC-ASG sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa nasabing pulong, inirekomenda ng PSAC-ASG ang pag angkat ng asukal, dahil nananatili umanong mababa ang produksyon ng raw sugar sa bansa bunsod ng mababang ani.

Bagamat sapat pa naman ang supply ng asukal ngayong taon dahil sa importation noong 2022 at 2023, inirekomenda ng PSAC-ASG ang pag import ng hindi bababa sa 185 thousand metric tons ng refined sugar at 200 thousand metric tons ng raw sugar, upang mapanatili ang sapat na supply at magkaroon ng buffer stock lalo na sa off-harvest at post-milling season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *