‘Pag-apruba ng WHO sa Sinovac COVID-19 vaccine for emergency use, magpapalakas ng vaccine confidence’

Welcome sa Malacanang ang pagkakasali ng COVID-19 vaccine ng Sinovac sa emergency use list ng World Health Organization.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ikinatutuwa ng Palasyo ang balita dahil mapapalakas nito ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccines. 

Aniya, dagdag itong assurance na ibinigay ng United Nations agency na ang bakuna ay ligtas at epektibo.

Mababatid na ilang ulit nang hinimok ng gobyerno ang publiko na magpaturok na ng bakunang available sa bansa sa gitna na mas gusto ng iba ang western vaccines. 

Inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang CoronaVac vaccine para sa emergency use noong Pebrero ngayong taon. Ito ang ginamit na bakuna nang iroll out ng bansa ang COVID-19 vaccination program noong Marso.

Batay sa evaluation ng FDA, ang efficacy rate ng bakuna ng Sinovac ay 65 percent hanggang 91 percent para sa mga edad 18 hanggang 59 habang ang efficacy rate nito sa health workers at matatanda ay nasa 50.4 percent at 51 percent. 

Sa nasa walong milyong doses ng COVID-19 supply sa bansa, limang milyon dito ay Sinovac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *